Tinawag ni dating Senador Antonio Trillanes IV na “blatant lie” ang alegasyong tumanggap umano siya ng pera mula kay dating Congressman Zaldy Co kaugnay ng International Criminal Court (ICC) probe laban kay dating pangulong Rodrigo Duterte.
Sa isang post sa social networking site na x, mariing itinanggi ni Trillanes ang paratang at sinabing bahagi umano ito ng paninirahabang tumatakbo ang confirmation of charges proceedings sa The Hague.
Umingay ang isyu matapos iharap ng abogado na si Levito Baligod ang affidavit ng ilang dating miyembro ng Philippine Marines na nagsabing aabot sa $2 milyong ang ibinigay kay Trillanes para paingayin at suportahan ang paglarga sa ICC.
Para sa dating senador, malinaw ang layunin ng mga akusasyon: guluhin ang proseso ng ICC at ilihis ang atensyon ng publikomula sa mismong kaso.
Nagbanta rin ang dating senador ng ligal na aksyon kabilang ang cyber libel laban sa mga nagpapakalat ng nasabing alegasyon.
“I will not be distracted. Hahabulin ko kayo,” bantaniya.
Sa gitna ng bangayan, sinabi ni Trillanes na nananatili ang kanyang paninindigan laban sa umano’y human rights violations at hindi siya uurong sa pagsuporta sa ICC proceedings. Habang nagpapatuloy ang diskusyon online at sa political circles, tila lalong umiinit ang palitan ng akusasyon at depensa, at ang susunod na laban ay inaasahang malilipat na sa korte. /Bistado


