It’s official.
Nilabas na ng streaming platform na Netflix ang anunsyotungkol sa rematch nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr., na gaganapin sa September 20 (Philippine Time) sa Las Vegas, Nevada at ipapalabas nang live online sa nasabingplatfom.
Matagal nang hinihintay ng fans ang muling paghaharap ng dalawa matapos ang kanilang unang laban halos isang dekada naang nakalipas.
Huling nagharap sina Pacquiao at Mayweather noong May 2015 sa MGM Grand Garden Arena sa laban na tinawag na “Fight of the Century.”
Nanaig noon si Mayweather via unanimous decision sa isangbakbakan na naging isa sa pinakapinag-usapang laban sakasaysayan ng boxing.
Sa rematch, ibang entablado ang naghihintay dahil gagawin ang laban sa The Sphere, isang high-tech indoor arena na unangbeses magho-host ng professional boxing match.
Hindi exhibition ang rematch dahil isa itong official professional bout kaya nakataya ang records ng dalawang kampeon.
Hawak pa rin ni Mayweather ang malinis na 50-0 record, habang si Pacquiao ay may kartadang 62 wins, 8 losses at 3 draws.
Sa edad na 47, iginiit ni Pacquiao na panahon na para mabigyanng sagot ang matagal nang tanong ng fans. Aniya, matagal nangnaghihintay ang publiko at nais niyang mag-iwan ng marka sarecord ng kanyang karibal.
Kumpiyansa rin si Mayweather, na ngayon ay 49 anyos. Ayon sakanya, napatunayan na niya ang kanyang kakayahan laban kay Pacquiao at inaasahan niyang mauulit ang resulta.
Bago ang malaking laban, may kanya-kanyang exhibition fights muna ang dalawa bilang paghahanda.
Nakatakdang harapin ni Pacquiao si Ruslan Provodnikov saisang 10-round exhibition sa Thomas & Mack Center sa April18.
Samantala, inaasahang magkakaroon din ng exhibition match si Mayweather laban kay Mike Tyson, pero wala pang detalye ang nasabing laban. /Bistado


