Super grateful at proud na ni-repost nang mga BTS fans lalo na yung mga solid followers nina Taehyung & Jungkook ang naging komento ni international star Lea Salonga tungkol sa husay ng dalawang nabanggit ng K-pop superstars.
Halos iisa ang tweet ng mga fans na nakasulat sa iba’t ibang language tungkol sa paghanga ni Lea sa dalawang BTS members.
“Broadway Legend, Lea Salonga, once again showing love to Taehyung & Jungkook. Sharing Tae’s adorable on-stage skit and praising Jungkook’s live vocals on ‘Into the Sun”
Walang kapaguran ang Army, tawag sa fans ng grupo, sa pagre-repost ng komento ng Pinay Forever Disney Princess sa husay nina Taehyung at Jungkook,
“No lip syncing here! Just pure, clean, spot on vocals!”
ISa nga si Lea sa mga globally recognized artists na lubos ang paghanga sa mga kapwa niya singers na may kakayahan talagang makipag sabayan sa world market.
At bilang isang Asian, proud na proud din ang Broadway star sa accomplishments ng mga gaya ng BTS at iba pang galing sa Asia na naka=[penetrate sa mainstream music.
No wonder, kahit ang mga kapwa natin Asyano sa Korea, China, Thailand, Hongkong, Singapore, Vietnam at iba pang karatig bansa ay super proud din sa simple pero nakaka-antig at makatotohanang “post” ni Lea.


