Umaaray na ang marami-raming fans nina Donny Pangilinan at Belle Mariano dahil sa magagastos nila para lang makita at masuportahan ang pelikula ng DonBelle na “Tayo Sa Wakas”.
Bet na bet pa namang suportahan ng nakararaming DonBelle fans ang gagawing movie soundtrack launch mini concert event at exclusive fan meet ng DonBelle pero mukhang pa-pass raw muna raw sila rito.
Hindi libre at mahal ang presyo ng tiket para lang makapanood ng nasabing promo event ng bagong movie nina Donny at Belle.
Actually, maraming DonBelle followers na taga Metro Manila at mga karatig probinsya ang hindi na naka-witness sa sa kick-off promo event ng movie nitong Sabado dahil sa Boracay ito ginanap. Di raw nila afford ang gastos papuntang Bora.
May mga bashers tuloy na nagsasabing kahit daw ba sa pag-promote pa lang ng paparating na project ay need ng gastusan ng mga fans?


