Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

John Lloyd Cruz-Isabel Santos, bilang “fur parents”

Nagpapasalamat ang Pawssion Project kina John Lloyd Cruz at gf nitong si Isabel Santos thru socmed dahil sa ginagawang pagtulong ng dalawa sa kanilang grupo at sa mga fur pets sa Siargao.

Sa post ng naturang grupo ay labis-labis ang kanilang paghanga sa dalawang celebrities na consistent sa pagbibigay ayuda at pag-join sa mga gawain nila lalo’t may kinalaman sa mga nare-rescue na pets, aso man o pusa o iba pang mga hayop na ginagawang ‘pet’ ng mga tao.

Dumayo pa nga sa Siargao sina John Lloyd  at Isabel para personal nilang maasikaso ang ginawa nilang pag-iisponsor ng free spay at neutering o pagkakapon sa mga dogs at cats. Pati na rin ang libreng vaccination.

Ginagawa nina Lloydie at Isa ang nasabing proyekto upang makatulong sa fur pets sa Siargao bilang pag-alaala sa namatay nilang fur baby na si Noah.

Kung inyong matatandaan, namatay ang alagang dog nina JLC at Isabel na si Noah last February 22 at para i-honor ang namatay nilang baby dog, nangako ang huli na tutulong sila sa mga may advocacy tungkol sa pets.

Super thankful nga sa magkasintahan ang Pawssion Project pati na rin ang mga pet owners sa isla.
 
Bukod sa Siargao, napabalita ding dati pang pinupuntahan at tinutulungan ng magkasintahan  ang Strays Worth Saving (SWS) dog and cat shelter (in Tanauan, Batangas) kung saan ibinabahay ang mga nire-rescue na mga pets dahil pinabayaan na ng dating owners, bago ito ipa-adopt sa iba,

Bukod nga sa kanilang common interests in the arts, parehong fur parents sina Lloydie at Isa, at may balak pa silang dagdagan ang pagkakaroon ng tinatawag nilang mga “anak.”

Kilala ng lahat sa showbiz si Lloydie bilang isang award-winning at box-office actor habang si Isabel naman ay isa ring award-winning artist at granddaughter ng legendary cartoonist na si Malang Santos.

Their common love for the arts ang siyang nag-connect sa kanilang dalawa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles