Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Heath Jornales, saludo sa idol niyang si Daniel Padilla

Proud na proud ang PBB Celebrity Collab 2.0 housemate na si Heath  Jornales sa  gitara na ibinigay sa kanya ni Daniel Padilla.

Buong ningning na ipinagmalaki ng 16-year old Kapuso artist sa mga dumalong fans and members of the media ang gamit-gamit niyang gitara sa ginanap na mini-concert at fan meet event niyang “Heath Wave” last Sunday na ginanap sa Skydome ng SM North EDSA.

Ayon kay Heath, ibinigay raw ito ni Deej sa kapatid niyang si Heather na ipinasa naman o ibinigay naman kanyang kapatid sa kanya bilang siya itong kumakanta at may recording career under GMA7 at Star Pop ng ABS-CBN Music.
“Saludo po ako sa kanya (Daniel) at isa siyang mabuting idol, role model at inspirasyon. Kahit konti man lang sana, mabiyayaan ako ng naabot niyang kasikatan at kahusayan,” sey pa ni Heath.

Maraming mga fans niya ang nagsasabing mukhang senyales na nga raw ang pagbibigay ni DJ ng gitara kay Heath para sabihing si Heath na nga ang  susunod sa yapak sa aktor-singer dahil pareho silang mahusay sa acting at singing.

Sigaw ng mga supporters niya, “Why not? Bukod sa pareho silang gwapo ay kapwa sila magaling umarte at kumanta.”

“Pangarap ko talagang mag-perform sa malaking crowd. It has always been my passion to perform music in front of a big audience,” pagbabahagi naman ni Heath sa mga nagpunta sa kanyang mini-concert.

Pinerform niya ang kanyang debut single na “Back to You,” along with several covers, including the opening song “I Don’t Care” ni Ed Sheeran.

Mabilis din siyang nakapag-kunek sa kanyang mga fans lalo’t ipinakilala niya ang kanyang “hidden talents” gaya ng martial arts at ang pag-join niya sa mga ito sa interactive games.

Sinuportahan din si Heath ng mga dati niyang nakasama sa Bahay ni Kuya kagaya nina Krystal Mejes, Joaquin Arce, Miguel Vergara, Eliza Borromeo, at iba pa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles