Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Sarah Geronimo at daddy Delfin, viral ang pamamasyal with fur pets

Matapos ang halos ilang taon na walang balita kung nagka-ayos na ba ang Royal Pop Princess at pamilya niya partikular sa parents niyang sina Mommy Divine at daddy Delfin, may nag-viral na photos and videos kamakailan.

Sa pag-uusisa ng BISTADO ay napag-alamang muli na palang nabuksan ang magandang komunikasyon nina Sarah at pamilya simula pa noong maging Mrs. Sarah Geronimo Guidicelli ang tanyag na aktres-singer.

“Hindi lang naibabalita pero noon pa, mga two or three years ago pa naman silang may maayos na communication,” sey ng source ng BISTADO.

Sa mga nag-viral na photos and video ay makikitang masayang magkasama ang mag-ama kasama ang isang high-breed dog sa isang tila fun run o walk event with fur babies.

Bakas sa mukha ni Sarah ang kasiyahan lalo’t kilalang maka-ama ito kahit noong nagsisimula pa lang ito sa showbiz at ang ama ang kasa-kasama sa halos malalaking ganap nito sa movies at concert scene.

Matatandaang naging malaking isyu ang noo’y pagtanan nina Sarah at Matteo Guidicelli at pagpapakasal nial kahit pa nga nasa tamang edad na ang singer-actress at mismong ang tatay-tatayan nitong si boss Vic del Rosario Sr. ang namagitan sa noo’y galit na galit na parents ni Sarah.

Para ngang isang teleserye ang nasaksihan ng madla sa naging buhay nr Royal Pop Princess sa showbiz lalo’t bantay sarado ito sa mga tinaguriang “stage parents” niyang sina daddy Delfin at mommy Divine.

Si Sarah kasi ang noo’y napapabalitang bumubuhay sa kanyang pamilya, kasama na ang pagpapa-aral nito sa kanyang mga kapatid sa abroad, gayung si Sarah ay halos hindi nagtapos ng pag-aaral dahil sa naging kayod-kalabaw ito sa TV, movies at recording, concert performing at product and services endorsements. 

Sa napag-alaman ng BISTADO, tinatayang nasa umaabot ng isang bilyong piso ang assets ni Sarah bago pa man siya naging asawa ng kilala ding aktor-host na si Matteo.

Mixed pa rin ang reaksyon ng netizen sa nag-viral na photos and videos dahil anila, tila ang ama lang ang nakakasama ni Sarah sa ngayon.

Tila matigas pa rin daw ang puso ni Mommy Divine na ayon pa sa nakalap ng BISTADO ay siyang namamahala ngayon ng mga negosyong itinayo para sa kanila ni Sarah at iba pang aspeto ng endorsement deal ni Sarah sa iba’t-ibang kumpanya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles