Tuwang-tuwa ang mga fans at supporters ng EchoNine (fan group nina Jericho at Janine) sa napanood nilang interview kay Janine Gutierrez sa podcast ni Ganiel Krishnan ng ABS-CBN na “Oh My Gan.”
Candidly ay sinagot at ikinuwento ni Janine ang tungkol sa relasyon nila ng 46-anyos na award-winning actor na ngayon pala’y papunta na ng two years.
“Ilang buwan na lang, three months to be exact ay two years na kami officially,” sey ni Janine sa naturang interview last April 15.
Inilarawan ng award-winning ding actress na tila natagpuan na niya ang halos lahat ng “must have” sa isang lalaki na nais niyang makasama habang buhay.
“Na kay Jericho ang lahat, sobra pa nga,” sey pa ng napakagandang aktres.
Naibahagi nga nitong bago pa man niya nakilala si Echo at naging bf ay may listahan na siya ng mga “dapat” na tinataglay ng isang mabuting boyfriend.
“Actually sinabi ko yun sa kanya. When I met him, I was, like, ‘Oh my God, lahat ito, siya. Oo, and then eventually sinabi ko sa kanya yun.
“Oh my God, like, actually, lahat ng mga hinihiling ko kay Lord, nakikita ko sa yo,” dagdag pa ng aktres.
Bukod nga daw sa very supportive ito sa kanya ay mahal na mahal at tanggap ng kaniyang pamilya si Echo.
Sa halos sunod-sunod nga daw na kalungkutan na tumama sa kanila last 2025 ay never siyang pinabayaan o iniwan nito.
Nandiyan yung time na magkasunod na namatay ang kanyang Mamita Pilita Corrales (nanay ng tatay niyang si Ramon Christopher) at ang Superstar at National Artist na si Nora Aunor (nanay naman ng ina niyang si Lotlot de Leon) at sinundan pa ng pagyao ng tito Ricky Davao niya (na asawa naman ng tita Jackie Lou Blanco niya na kapatid ng kanyang ama).
“Wala na akong mahihiling pa sa pagiging very supportive and understanding niya. In fact pag magkasama kami, I feel the comfortability na gusto kong ma-feel. The security, safety and all,” sey pa ng 36-anyos namang si Janine.
Bukod sa mature at masayang kakuwentuhan si Echo, lahat daw ng kanyang ginagawa ay suportado nito kahit na yung pagiging Esquire Sexiest Woman Alive 2026 niya.
Nakapirma ng two year contract sa Star Magic si Janine at isa nga sa mga proyektong gagawin niya ang pagsasamahan nila ni Jericho na The Loyalty Game ng Prime Video.
Although napag-uusapan na daw nila ang pag-level up ng kanilang relasyon, mag-focus muna daw si Janine sa mga proyektong naka-line up sa kaniya sa loob ng two years.
“But who knows? Basta for me, natagpuan ko na siya at siya na talaga,” reaksyon pa ni Janine na lubos na ikinasaya ng mga supporters nila.


