Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Top 6 most wanted sa NCR, timbog sa Tondo

Arestado ang isang high-value target na kabilang sa Top 6 Regional Level Most Wanted Person ng National Capital Region Police Office sa isinagawang warrant operation sa Tondo, Maynila noong April 19.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Jaycee,” 39-anyos at residente ng Quezon City. Nadakip siya sa Baseco Port Area ng mga tauhan ng Northern NCR Maritime Police Station katuwang ang iba pang police units.

Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 297 sa Pasay City para sa kasong Kidnapping and Serious Illegal Detention sa ilalim ng Article 267 ng Revised Penal Code, na walang recommended bail.

Nag-ugat ang kaso sa insidente noong Hunyo 13, 2024 sa Pasay City kung saan umano’y dinukot ang complainant ng mga indibidwal na nagpakilalang law enforcement officers. Dinala ang biktima at ang kanyang driver sa iba’t ibang lugar at pinilit na ibigay ang impormasyon sa kanilang financial accounts, na nagresulta sa hindi awtorisadong paglipat ng mga ari-arian. Pinalaya rin ang mga biktima makalipas ang ilang oras.

Pinuri ni PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr. ang matagumpay na operasyon.

“Patuloy po ang ating pinaigting na operasyon laban sa mga wanted persons. This is part of our sustained effort to ensure that those facing serious charges are brought before the courts. Hindi po tayo titigil—ipinapakita natin na ang batas ay pantay para sa lahat,” ani Nartatez. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles