Binabantayan ngayon ng PAGASA ang isang low pressure area sa may silangang bahagi ng Philippine Area of Responsibility na posibleng maging malakas na bagyo sa mga susunod na araw.
Ayon sa weather bureau, ang sama ng panahon ay nasa mahigit 3,000 kilometro pa ang layo mula sa bansa, ngunit inaasahang magiging tropical depression sa loob ng 24 oras at lalakas pa habang papalapit.
Paliwanag ng PAGASA, may posibilidad na maging typhoon o supertyphoon ang binabantayang LPA, pero hindi pa tiyak ang magiging galaw nito.
Nilinaw din ng PAGASA na wala pang magiging epekto ang LPA sa panahon sa bansa ngayong weekend dahil sa layo nito.
Kapag pumasok sa PAR, tatawagin ang bagyo na “Caloy.”
Anang PAGASA, hindi bago ang pagkakaroon ng bagyo sa panahon ng tag-init.
Habang mino-monitor ang posibleng bagyo, patuloy naman ang pagtaas ng temperatura sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Umabot sa 43 degrees Celsius ang heat index sa Cavite nitong Martes. /Bistado


