Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

CHED, pinayagan ang mga unibersidad na mag-full online classes dahil sa oil price hikes

Pinayagan ng Commission on Higher Education (CHED) ang mga kolehiyo at unibersidad sa bansa na magpatupad ng full online classes sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at problema sa fuel supply.

Ayon sa CHED, opsyonal ang paglipat sa online setup at nakasalalay pa rin sa desisyon ng bawat paaralan batay sa kanilang sitwasyon. Layunin ng hakbang na mabawasan ang epekto ng mataas na gastos sa transportasyon sa mga estudyante at guro.

Ang pagpapahintulot ng ahensya ay bahagi umano ng tugon ng pamahalaan sa fuel crisis na nagdulot ng pagtaas ng pamasahe at hirap sa pagbiyahe sa ilang lugar.

Nilinaw ng CHED na hindi obligado ang lahat ng higher education institutions na lumipat sa online classes. Maaaring magpatuloy ang face-to-face classes kung kaya ng paaralan at kung hindi apektado ng kakulangan sa fuel o problema sa transportasyon.

Kasabay nito, inatasan ang mga paaralan na tiyakin ang tuloy-tuloy na kalidad ng edukasyon kahit online ang setup. Diin ng CHED, kailangan pa ring matugunan ang itinakdang learning outcomes at academic requirements.

Patuloy na mino-monitor ng CHED ang sitwasyon at maaaring maglabas ng karagdagang gabay depende sa magiging takbo ng krisis sa susunod na mga araw. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles