Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

PSA: Piso mo noong 2018, 75 sentimo na lang ang halaga ngayon

Ang piso mo noong 2018, 75 sentimo na lang ngayong 2026.

Yan ang inihayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) nitong Martes, kasabay ng pag-uulat sa pagsirit ng presyo ng bilihin.

Sa datos ng PSA, malinaw ang pagliit ng purchasing power o kakayahan ng piso na bumili ng produkto at serbisyo. Ibig sabihin, kung may hawak kang P1,000 noong 2018, nasa P750 na lang ang katumbas nito ngayon sa aktwal na halaga ng mabibili.

Paliwanag ni National Statistician at PSA chief Dennis Mapa, magkasalungat ang galaw ng inflation at purchasing power. Kapag tumataas ang inflation o bilis ng pagmahal ng bilihin, mas bumababa ang halaga ng pera at mas kaunti ang nabibili nito.

Kasabay ng anunsyo, iniulat din ng PSA na umakyat sa 4.1 percent ang inflation rate noong March 2026. Ito na ang pinakamabilis na pagtaas ng presyo sa loob ng 20 buwan.

Iniuugnay ang pagtaas ng inflation sa pagsirit ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado, dulot ng nagpapatuloy na sigalot sa Middle East.

Ang pagmahal ng fuel ay may direktang epekto sa transportasyon at presyo ng mga bilihin. Kapag tumataas ang gastos sa pagbiyahe at delivery, sumusunod din ang pagtaas ng presyo ng mga produkto sa merkado.

Dahil dito, mas ramdam ng mga mamimili ang paghina ng halaga ng kanilang pera. Ang parehong halaga na dati ay sapat para sa ilang pangangailangan ay mas kaunti na ang kayang bilhin ngayon. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles