Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Nickel Asia unit, nakasecure ng P9.36-B loan para sa Leyte solar project

Nakasecure ng P9.36 bilyong loan ang isang renewable energy unit ng Nickel Asia Corp. para pondohan ang solar power project nito sa Leyte. 

Ang loan ay nasecure ng Emerging Power Inc. (EPI), isang subsidiary ng Nickel Asia na patuloy na nagpapalawak ng renewable energy business nito.  

Isinara noong nakaraang buwan ng EPI ang financing deal kasama ang China Banking Corp. at Security Bank Corp. bilang mga nagpapautang, habang ang RCBC Capital Corp. ang nagsilbing arranger. Ang pondong ito ay gagamitin para sa San Isidro solar project sa Leyte.  

Itatayo ang proyekto sa dalawang yugto. Ang unang 120-megawatt phase ay target magsimula ng commercial operations sa ikalawang quarter ng taong ito. Ang ikalawang 120-megawatt phase naman ay naka-iskedyul ding ma-energize sa kaparehong panahon, habang target ang full operations sa unang bahagi ng susunod na taon.  

Ang San Isidro project ay dine-develop sa ilalim ng Greenlight Renewables Holdings. Kasama ang Leyte solar development sa mga proyektong itinutulak ng Nickel Asia habang nagpapalawak ito lampas sa pagmimina.  

Malaki rin ang target ng EPI sa kabuuang kapasidad nito. Gusto nitong itaas ang total capacity sa 458 MW bago matapos ang taon, mula sa 293 MW na inaasahang maaabot sa dulo ng 2025. Bukod sa Leyte, target din ng kumpanya na ma-energize ang isa pang solar project ngayong taon, kabilang ang 45-MW facility sa Zambales na target makumpleto sa ikaapat na quarter. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles