Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Kanta ni Yorme ngayong tag-init: Swim

Tila na-inspire si Manila Mayor Isko Moreno sa pinakabagong comeback hit song ng BTS na “Swim,” dahil sa pinakabagong anunsyo ng alkalde ngayong Easter, bubuksan sa publiko ang lahat ng swimming pool sa anim na distrito ng Maynila bilang libreng palanguyan para sa mga batang Manileño.

Ayon sa alkalde, layon ng hakbang na mabigyan ng ligtas na lugar ang mga bata para makapagpalamig sa gitna ng matinding init ng panahon.

“Binigyan ko ng direktiba si [Public Recreations Bureau] Director Pio Morabe na ang lahat ng swimming pool sa District 1 hanggang District 6 ay gawin ninyong paliguan ngayong summer, mainit ang panahon,” ani Moreno.

Dagdag pa niya, may mga batang napipilitang maligo sa kalsada o eskinita dahil sa init. “Nag-aalala pa ang inyong mga magulang. Minsan doon kayo naliligo sa mga eskinita, kalsada. Balik kayo sa ating mga swimming pool. Doon kayo magbanlaw, mag-enjoy kayo doon,” sabi niya.

Ipinunto rin ng alkalde na fully renovated at operational ang mga swimming pool para matiyak ang maayos at ligtas na paggamit ng publiko.

Pinahintulutan din ang paggamit ng mga pasilidad para sa mga okasyon tulad ng birthday at iba pang selebrasyon, hangga’t kayang i-accommodate ang mga bisita.

“Kung kayo may mga birthday, kung kayo may mga celebration, doon na lang kayo sa mga swimming pool namin,” ani Moreno.

Gayunman, nilinaw niya na may limitasyon ang bilang ng papasok sa bawat pool. Kapag puno na, kailangang maghintay ang ibang nais maligo hanggang may lumabas.

Pero ayon sa alkalde, araw-araw bukas ang mga swimming pool bilang bahagi ng serbisyo ng lungsod para sa mga residente.

“Araw-araw ay handog sa inyo ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila para mapawi ang init ng panahon sa ating mga pasilidad na pag-aari ng taong bayan,” ani Moreno. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles