Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Kim Chiu, may pakiusap sa fans

Sa pamamagitan ng kanyang IG post ay nakiusap si KIm Chiu sa kanyang mga supporters na maging mahinahon sa napapabalitang iuurong ang timeslot ng series niyang ALIBI.

Aware naman daw ang aktres na sa simula pa lang ay talagang hindi para sa kanila ng ka-tandem na si Paulo Avelino ang timeslot na noon pa man ay occupied na ng mga series ni aktor-producer-director Coco Martin.

Sa halos isang dekada ngang pamamayagpag ng mga series ni Coco na inaabot ng taon sa pang-gabing timeslot (after TV Patrol news program), wala pa ngang Kapamilya artist ang nakasingit man lang dito.

Nagkataon lang na ang dapat na ipapalit sa serye (Sigabo) matapos mag-end ang Batang Quiapo ay hindi umabot sa production deadline, kaya’t pansamantalang inilagay ang ALIBI series nina Kim at Paulo.

“Grateful kami na ipinagkatiwala sa amin ang timeslot na yun. Pero aware din kaming anytime ay puwede itong i-urong dahil anytime ay ready na ding umere yung Sigabo,” lahad pa ni Kim.

Mataas ang rating at maganda ang reception ng televiewers sa Alibi na kahit pa nga naipalabas na at napanood sa ibang platform ay tinatangkilik pa rin ng madla.

Sadya lang na sobrang supportive at passionate ang mga supporters nina Kim At Paulo kaya’t may reaksyon sila tungkol sa balitang i-uurong ito once ipalabas na ang seye naman nina Coco at Julia Montes.

“Alam kong mauunawaan iyan ng mga KimPau fans at iba naming supporter. Sabi ko lang po na kumalma sila at huwag maging nega sa ganyang news. Talaga pong mangyayari iyan,” dagdag pa ng aktres.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles