Naka-high alert na ang 44 na paliparan sa bansa sa ilalim ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ngayong dagsa ang mga biyahero dahil sa Semana Santa.
Inilagay sa heightened alert status ang lahat ng CAAP-managed airports para masigurong maayos, ligtas, at tuloy-tuloy ang operasyon sa peak travel period.
Ayon sa CAAP, pinaigting ang deployment ng mga tauhan sa mga paliparan, kabilang ang security personnel at ground staff, habang inatasan ang mga airport personnel na manatiling naka-duty sa extended hours para matugunan ang pagtaas ng bilang ng pasahero.
Pinalakas din ang koordinasyon sa airline operators at iba pang ahensya na may kinalaman sa airport operations para mapanatili ang maayos na daloy ng biyahe. /Bistado


