Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Petron kulang pa rin sa krudo kahit may 2.48M bariles mula Russia

May kakulangan pa rin sa suplay ng krudo ang Petron Corp. kahit nakapag-secure ito ng 2.48 milyong bariles mula Russia.

Ang Petron, na oil company ng San Miguel Corp., ay may hawak ng humigit-kumulang 30 percent ng domestic fuel market at nagpapatakbo ng nag-iisang oil refinery sa bansa. Ayon sa kumpanya, ang nakuha nitong Russian crude ay para patatagin ang imbentaryo matapos ang deklarasyon ng national energy emergency sa ilalim ng Executive Order No. 110.

Gayunman, estimate ng kumpanya na ang naturang volume ay sasapat lamang hanggang Hunyo. 

Nag-ugat ang kakulangan sa suplay sa kanselasyon ng dalawang shipment mula Middle East na umaabot sa kabuuang apat na milyong bariles. Nangyari ito kasunod ng pagsasara ng Strait of Hormuz at pagtaas ng panganib sa Red Sea.

Mabigat ang tama nito sa Pilipinas dahil umaasa ang bansa sa rehiyong iyon para sa humigit-kumulang 98 percent ng suplay ng krudo. Ipinapakita nito umano kung gaano karupok ang fuel security ng bansa sa gitna ng tumitinding tensyon sa Middle East.

Ang Russian crude, lalo na ang ESPO o East Siberia-Pacific Ocean grades, ay nagsisilbing alternatibong feedstock. Pero may kapalit ito sa presyo. Gayunman, karaniwang mas mahal ang ESPO kaysa Dubai crude. Itinutulak ito ng malakas na demand mula sa mga Asian refiners, lalo na sa China, pati ng kalidad nito at mas maikling shipping routes. 

Sinabi ng Petron na ang pagbili ng Russian crude ay ginawa lamang bilang “extraordinary measure” matapos maubos ang iba pang options. Isinagawa ito sa koordinasyon ng Department of Energy at Department of Finance. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles