Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Wally Bayola, naaksidente sa motor

Nabahala ang mga kaibigan at tagahanga ni Wally Bayola nang mapabalita na naaksidente ito sa motor hapon noong March 29.

Sa naibahaging FB post ng Eat Bulaga fan page, umuwing pa-Bicol ang host-actor kasama ang iba pang ka-tropa nitong “motor riders.” Taga Naga City ang kilalang komedyante na noon pa nasanay na umuwi sa naturang lungsod kasama ang mga kaibigang rider.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, sa isang bahagi daw ng kalsada sa Andaya highway (national road) sa Bgy. Bel-Cruz, Lupi, Camarines Sur ay may lubak itong nadaanan na naging sanhi ng aksidente.

Maagap naman itong nasaklolohan ng mga residente at opisyal ng Lupi at agad na nadala sa isang pribadong ospital sa Naga City.

Nagtamo ng mga sugat sa tuhod at paa si Wally at ayon pa sa ulat ay naging limitado ang galaw ng kanyang kanang binti.

Nasa maayos na itong kalagayan sa ngayon at ayon sa mga Dabarkads niya sa Eat Bulaga, “labis silang nag-alala,” subalit sa nakasanayan ng joke o biro ng mga ito, sinabi nilang ‘malayo pa diumano sa kanyang oras’ ang Dabarkad na si Wally.

On a serious note, nagbibigay babala at payo pa rin ang EB family na mas higpitan at dagdagan ang pag-iingat sa pagmo-motor kung hindi talaga maiiwasang ito ang gamitin bilang behikulo sa paglalakbay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles