Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Mga salarin sa ambush na ikinasawi ng 5 pulis sa Maguindanao, tinutugis

Tinutugis na ng pulisya at militar ang grupo ng mga armadong lalaki na sangkot sa ambush na ikinasawi ng limang pulis at ikinasugat ng tatlo pa, kabilang ang isang police captain, sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur nitong Sabado ng gabi, March 28.

Ayon sa pulisya, naganap ang pananambang bandang 9:10 p.m. sa Barangay Poblacion Mother habang pabalik sa kanilang barracks sa Camp Akilan ang mga pulis matapos magsagawa ng peacekeeping operations sa bayan.

Kinilala ang mga biktima bilang mga miyembro ng 2nd Provincial Mobile Force Company ng Maguindanao del Sur Police Provincial Office.

Ayon kay Capt. Guiseppe Tamayo, tagapagsalita ng provincial police, agad dinala sa Bangsamoro Regional Medical Center sa Datu Hoffer ang mga biktima, ngunit limang pulis ang idineklarang dead on arrival.

Tatlo pa ang sugatan at patuloy na ginagamot.

Hindi muna inilabas ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga nasawi at nasugatan habang hinihintay ang pormal na abiso mula sa kanilang mga pamilya.

Mariing kinondena ng pulisya ang pag-atake laban sa mga tauhan ng law enforcement.

Ayon kay Brig. Gen. Jaysen de Guzman, regional director ng pulisya sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, isang sinadyang pag-atake ang insidente at hindi ito palalagpasin ng mga awtoridad.

Sinabi ni De Guzman na nagsagawa na ng pinaigting na manhunt operations ang pulisya at sinusundan na ang lahat ng lead para matukoy at maaresto ang mga responsable.

Tiniyak din niya sa publiko na ginagawa ang lahat ng hakbang para mapanagot ang mga salarin.

Samantala, nakikipagtulungan ang 601st Infantry Battalion ng Philippine Army sa operasyon ng pulisya sa Shariff Aguak at mga kalapit na lugar para matunton ang mga armadong salarin. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles