Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Dingdong Dantes, kinarir ang pagiging “Master Cutter”

Nag-aral pala talaga ng pagiging sastre o kung paanong manahi ang kinikilalang Primetime King ng Kapuso network na si Dingdong Dantes. 

Ito’y bilang paghahanda sa kanyang pinaka-bagong project sa GMA 7 na “Master Cutter,” na ipapalabas din sa Netflix ngayong April.

Ayon sa nakalap ng BISTADO, kinarir ng action star at magaling na aktor-TV host ang pag-aaral bilang ‘mananahi’ dahil ayaw nga daw nitong magmukhang walang alam sa kanyang role.

Ayon pa sa kuwento, dating isang Scout Ranger ang karakter ni Dong na naging ‘sastre’ upang mas magkaroon ng pagkakataon na malipol ang masasamang loob na nagkaroon ng kaugnayan sa mga krimen sa kanyang mga kapamilya at kasamahan sa kanyang propesyon.

“This is something new for me. Siyempre as an actor, dapat pinaghahandaan natin ang mga ganyang role lalo’t malaki ang kaugnayan nito sa story. Tsaka sa title pa lang, nandun na. Masarap palang manahi, yung kinukunan mo ng saktong sukat at details ng sizes ng katawan. Kunektado yun sa mga action scenes, iba. Ibang-iba sa mga nagawa ko ng action at projects,” paliwanag ni Dingdong.

Bilang si Anthony (Dantes) sa action-drama series, inilarawan ng aktor na “a study in performance” ang kanyang role dahil bukod sa pagiging low-key tailor sa isang shop sa Baclaran pag umaga, isa naman siyang malupit at matikas na scout ranger agent sa gabi na tumutugis ng mga kriminal. 

In the process, may mga pagkakataon pang nag-disguise din siya bilang isang clown hanggang sa pagiging isang mafia figure.

Mauuna itong i-stream sa Netflix Philippines beginning April 17, 2026, 72 hours bago ang TV airing sa GMA Prime.

Sa direskyson ni  Dominic Zapata, makakasama ni Dingdong sa series sina Max Collins, Paolo Contis, Shuvee Etrata, at Charlie Fleming.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles