Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Kathryn Bernardo, sa Bhutan nga ba nag-bday kasama si Mark Alcala?

Gaya ng ibinalita ng BISTADO ng magdiwang ng kanyang ika -30 kaarawan si Lucena City Mayor Mark Alcala last Feb. 23, walang naging anunsyo sa totoong relasyon nila ng sikat na si Kathryn Bernardo.

Hanggang sa pagsapantaha at paghula na lang ang netizen sa kung anong meron sila lalo’t napapadalas nga ang mga sighting sa kanila sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila, partikular na sa BGC, Taguig.

May intriga pa ngang kumakalat na mayroon diumanong “lovenest” ang dalawa sa naturang sikat na area kaya’t madalas silang nakikita doon.

This time sa okasyon naman ng ika-30 kaarawan ni Kathryn nitong March 26, may kumakalat na tsismis na diumano’y magkasama sila ng Mayor sa Bhutan, sa Eastern Himalayas.

Ayon pa sa tsismis, doon nga daw nag-celebrate ng kanyang birthday ang kilalang aktres kasama ni Mayor at ilan nilang malalapit na mga kaibigan. May temang pag-camping daw ang naturang birthday celebration.

Kunektado din ang tsismis sa napabalita namang mga biniling camping equipments ng dalawa na ibinalita din umano ng assistant ni Mayor Alcala.

Kaugnay na kuneksyon din daw ang pagbibigay ng birthday treat ni Maja Salvador kay Kathryn ng mas maaga dahil tila na-anticipate na nito ang pagpunta ng kaibigan sa Bhutan.

Kasama sa present teleserye project na ginagawa ni Kathryn si Maja, na si James Reid nga ang leading man.

Noong 2012 ay may ginawang teleserye si Kathryn na sa Bhutan kinunan. Ito yung ‘Princess and I’ na nagpasikat sa tambalan nila ni Daniel Padilla, hanggang sa maging magka-relasyon sila. Matatandaan ding amaze na amaze at very vocal si Kathryn sa pagsasabing na-fall siya sa napakaganda, malinis at malamig na lugar ng Bhutan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles