Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Kahit may krisis: Walang pa-price freeze, sabi ng DTI

Nilinaw ng Department of Trade and Industry (DTI) na walang ipinatutupad na price freeze sa mga pangunahing bilihin kahit may deklarasyon ng national energy emergency ang Malacañang.

Sa pahayag ng DTI nitong Biyernes, sinabi ng ahensya na nananatiling stable ang suplay at presyo ng basic at prime commodities kasunod ng paglalabas ng Executive Order No. 110.

Ayon sa DTI, ang EO 110 ay nakatuon sa pagtiyak ng sapat na domestic oil supply sa gitna ng umiiral na tensyon sa Middle East. Inilarawan ito bilang isang hakbang para tugunan ang posibleng pagkaantala sa global oil supply chain.

Kasabay nito, in-activate rin ang Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport o UPLIFT Program na nagbibigay ng target na subsidy para sa transport at agriculture sectors.

Dagdag ng ahensya, nakipag-ugnayan na sila sa private sector at nagsagawa ng pulong kasama ang 21 pangunahing manufacturers ng essential goods, kabilang ang canned sardines, tinapay, bottled water, instant noodles, at kape.

Ang mga kumpanyang ito ay nangakong pananatilihin ang kasalukuyang presyo ng kanilang produkto sa loob ng 30 hanggang 60 araw. Ayon sa DTI, ang 30-day commitment ay hanggang April 16, habang ang 60-day period ay hanggang May 16.

Bagamat walang price freeze, binigyang-diin ng DTI na naka-heightened alert ang kanilang consumer protection teams para tiyakin ang pagsunod sa Suggested Retail Price bulletin at bantayan ang galaw ng presyo ng mga bilihin.

Nagbabala rin ang ahensya na ang mga retailer na mapapatunayang nagtaas ng presyo nang higit sa 10 percent nang walang sapat na batayan o sangkot sa hoarding ay mahaharap sa kaukulang parusa, kabilang ang administrative fines at posibleng pagkakakulong. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles