Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

TALON SA BAGONG BUHAY – Kabanata 29

Kabanata 29: Pares sa Anonas

Pagliko ng sasakyan sa kanto ng Aurora Boulevard at Anonas, agad bumungad ang pamilyar na gulo ng lungsod.

Masikip ang kalsada.

Sunod-sunod ang jeep.

May bumababa, may sumasakay.

May mga nagtitinda sa gilid.

May mga naglalakad na nagmamadali.

Sa di kalayuan, tanaw ang istasyon ng LRT-2 Anonas.

Huminto si Christian sa tabi ng isang makitid na kalye.

“Dito lang tayo,” sabi niya.

Bumaba sila.

Agad sinalubong si Jiro ng amoy ng nilulutong sabaw, bawang, at karne.

Mainit.

Malasa.

Pamilyar.

Napatingin siya sa paligid.

Mga plastik na upuan.

Mahahabang mesa.

Mga taong pawis, gutom, abala sa pagkain.

“Alam mo, insan,” sabi ni Jiro habang naglalakad papasok, “nakapunta na ko dito.”

“Lagi ako napapadaan dito dati pag nangangalakal.”

“Pero…” napakamot siya sa ulo, “never ko pa natikman yang pares na sinasabi mo.”

Saglit na natigilan si Christian.

Sa isip niya, simple lang ang pares. Pangkaraniwan.

Pero hindi niya sinabi.

Ngumiti na lang siya.

“There’s always a first time, insan.”

“At sa mga susunod na araw, marami kang first time na mararanasan. Pramis.”

Umupo sila sa bakanteng mesa.

Agad lumapit ang tindero.

“Dalawang pares, dalawang rice,” mabilis na order ni Christian.

Magulo ang paligid.

May sumisigaw ng order.

May kumakalansing na kubyertos.

May tumatawa.

May nagmamadali.

Ilang minuto lang, dumating ang order.

Mainit ang sabaw.

Umaalingasaw ang amoy.

May laman, may litid, may taba.

May kanin sa gilid.

Kumuha ng kutsara si Christian.

Sumubo.

Tahimik.

Sinundan siya ni Jiro.

Una, maliit lang.

Pagkatapos—

Napalakas ang subo niya.

Napangiti.

“Ang sarap, insan,” sabi niya habang ngumunguya.

“Simple lang… pero ang sarap.”

Tumango si Christian.

Tahimik muna silang kumain.

Ilang sandali.

Pagkatapos, nagsalita si Christian.

“Insan…”

Huminto si Jiro.

Nag-angat ng tingin.

“Hmm?”

Napabuntong-hininga si Christian.

“May sasabihin ako.”

Bahagyang tumahimik ang paligid sa pandinig ni Jiro.

“Insan, naguguilty ako.”

Napakunot ang noo ni Jiro.

“Bakit?”

“Sorry talaga ha…”

“Kung marami akong itinago sayo sa nagdaang mga taon.”

Hindi agad sumagot si Jiro.

Sumubo muna siya.

Ngumanga.

Ngumiti nang bahagya.

“Syempre insan,” sabi niya, diretso ang tingin, “naisip ko rin yun.”

“Di naman ako plastik para itago yun.”

Napayuko si Christian.

“Alam ko…”

“Pero…”

Napatingin siya kay Jiro.

“Ginawa ko lang yung sinabi ng tatay ko.”

“Alam mo naman… si Tatay Monching, wala nang ibang mapakiusapan ang mama mo.”

Tahimik si Jiro.

Nakikinig.

“Hindi ko rin alam lahat noon,” dagdag ni Christian.

“Pero habang tumatagal…”

“Mas naiintindihan ko.”

Saglit na katahimikan.

Pagkatapos, ngumiti si Jiro.

“Di naman ako galit.”

Nagkibit-balikat siya.

“Naipit ka ng sitwasyon.”

Sumubo ulit siya.

“Kung iisipin…”

“Mas mabuti nga andyan ka.”

Napatingin si Christian.

“Kung hindi…”

Napatawa nang bahagya si Jiro.

“Ewan ko kung paano mabubuo ang parang puzzle ng buhay kong ‘to.”

Napangiti si Christian.

“Insan…”

“Salamat.”

“Sa pag-intindi.”

Tumango si Jiro.

“Walang anuman.”

Tahimik silang muling kumain.

Mas mabagal na ngayon.

Mas magaan.

Parang may nabawas sa bigat ng hangin sa pagitan nila.

Nang maubos ang sabaw, ininom pa ni Jiro ang huling lagok.

Pinunasan ang labi.

“Solid, insan,” sabi niya.

Tumayo sila.

Nagbayad si Christian.

Lumabas sa paresan.

Mainit pa rin ang araw.

Maingay pa rin ang kalsada.

Naglakad sila pabalik sa kalyeng pinagparkan.

Nandoon ang pulang Audi.

Tahimik sandali si Jiro habang nakatingin sa sasakyan.

Parang hindi pa rin siya sanay.

“Uwi na tayo?” tanong ni Christian habang binubuksan ang pinto.

Tumango si Jiro.

“Oo.”

Sumakay siya.

Isinara ang pinto.

At habang umaandar muli ang sasakyan palabas ng Anonas—

Unti-unting bumabalik si Jiro sa bagong mundong unti-unti pa lang niyang inuunawa.

Pa-La Vista.

Pabalik sa buhay na hindi niya kailanman inakalang magiging kanya. /Itutuloy sa susunod na kabanata

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles