Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Ombudsman: Flood control cases, iinit ngayong tag-init

“Ngayong tag-init, iinit sinasabi ko sa inyo.”

Yan ang astang teaser na pahayag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla nitong Huwebes, March 26, patungkol sa inaasahang pagsasampa ng mga kaso kaugnay ng kontrobersiya sa mga flood control projects.

Sa panayam sa media, nanatiling maikli ang tugon ng Ombudsman at hindi siya nagbigay ng detalye kung sinu-sino ang maaaring masangkot. “Hintayin nalang natin kapag na-file,” aniya, sabay pahiwatig na nasa yugto na ng paghahanda ang mga reklamo.

Hindi rin tinukoy ng Ombudsman kung ilang kaso ang ihahain o kung anong partikular na proyekto ang masasangkot, ngunit iginiit niyang lalabas ang mga susunod na hakbang sa mga darating na linggo. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles