Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

EJ Obiena at ibang pinoy atleta, bigo sa kampanya

Nabigong makapag-uwi ng medalya at makapagtala ng bagong record ang mga atletang nag-represent ng bansa kamakailan sa World Athletics Indoor Championships 2026 na ginanap sa the Arena Torun, Poland.

Sa pangunguna ng pinoy pride sa pole vault na si EJ Obiena, nabigo din ang iba pa niyang kasama sa athletics gaya nina John Cabang Tolentino, Jessica Laurance at Zion Corrales Nelson.

Nagtapos lang si Obiena sa ika-siyam na puwesto matapos niyang hindi makuha ang tamang rhythm after three tries.
Sa kanyang opening attempt ay nakapagtala siya ng 5.50m at 5.70m, subalit hindi nga niya naipasa ang 5.85m mark para mag-advance pa sa susunod na pagtalon.

Gaya ng inaasahan, ang Olympic gold medalist na si Mondo Duplantis ng Sweden ang nanguna sa torneo at nakapagtala pa ng bagong record na 6.25m.
Ang atleta mula sa Greece na si Emmanouil Karalis ang nakakuha ng silver with 6.05m clearance, habang si Kurtis Marschall ng Australia ang nag-uwi ng bronze, reaching a personal best of 6.00m.

Tila nahirapan din ang mga atleta ng bansa sa track events na lumahok sa hurdles at sprints.

Nag-compete si John Cabang Tolentino sa Men’s 60m Hurdles kung saan may oras siyang 7.77 seconds para makuha ang ikaapat na puwesto sa heat niya. Hindi sapat ang naturang finish para mag-advance siya sa semifinals kung saan pumuwesto siya sa ika-30 overall in the field.

Ang representative naman ng bansa sa Women’s 60m na si Jessica Laurance ay naorasan naman ng 7.37 seconds, na naglagay sa kanya sa ika-37 puwesto overall out of 51 competitors.

At si Zion Corrales Nelson na lumahok din sa Women’s 60m, ay nakapagtala naman ng oras na 7.44 seconds, ending her campaign at 42nd overall.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles