Marami ang nagulat sa malaking pagbabago o transformation ng katawan ni Atasha Muhlach.
Royalty na matatawag ang anak nina award-winning actor at matinee idol noong 90’s na si Aga Muhlach at 5th runner-up sa 1994 Miss Universe na si Charlene Gonzales, na isa ding matagumpay na aktres at TV host.
Sa mga tumatakbong ads ngayon ng Century Tuna Superbods 2026 sa socmed at TV, marami ang nagugulat sa magandang transformation ni Tash sa pagkakaroon nito ng sexy, fit at healthy na pangangatawan.
Kahit na sa siya ang pinakabata sa hanay ng ibang model-endorsers ng ad na sina Anne Curtis, EJ Obiena at Alice Dixson, hindi nagpakabog ang aura, charm, magnetic appeal at sexiness ng unica hija nina Aga at Charlene at kakambal ng sumisikat ding si Andres.
Sa kanyang IG post, ibinahagi ni Tash ang naging proseso ng kanyang transformation.
Kuwento nito, “I started with what I could control which was my diet with high protein meals and focusing on healthy food. Slowly, I worked my way back and began strength training with Arnold Aninion (fitness coach niya) who I would like to thank for bringing back fitness into my life like no other.”
“What felt like a challenge turned into a blessing. It gave me a purpose during my recovery and something to strive for,” dagdag pa ng bumida sa hit series na “Bad Genius” sa TV5.
Ilang buwan din ang binuno ng 24-year old actress at Eat Bulaga host para ma-achieve ang naturang superbod at marami din daw siyang isinakripisyo kasama na ang ilang injuries nang dahil sa mga training at physical exercises.
“After endless hours in the gym, months of discipline, Century Tuna and hard work, here we are. Maraming salamat from the bottom of my heart. I love you all,” pagtatapos pa ni Tash.
Marami ding mga kapwa celebrities ni Tash ang pumuri sa aktres-host gaya nina Nadine Lustre, Iza Calzado, mga kasama sa Viva Artist management, ang kapatid na si Andres, at mga parents niyang lubos ang tiwala at suporta sa tinatamasa niya ngayon.
Sa socmed world, puring-puri ang naging dedikasyon at determinasyon ni Atasha na para sa kanila ay isang inspirasyon sa mga nagmamahal at nangangalaga sa kanilang physical being.
“Just amazing. Very inspiring and what a girl. Go, go, go Tash,” sigaw ng kanyang mga fans na tinatawag na Tashians.


