Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Regine Velasquez, “Woman of the Year” awardee ng Billboard Philippines

Pinarangalan si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid ng Billboard Philippines bilang ‘Woman of the Year.’

Sa isang seremonya ay kinilala ng naturang Music Group ang mga local singers ng bansa para sa mga achievement na kanilang nagawa at na-i-contribute ng mga ito sa local music industry. 

Ang Billboard Philippines ang opisyal na lokal edition ng renowned music brand, na nagsisilbi bilang premier media platform para sa Philippine music, news, and culture. Ni-relaunch ito noong 2023, at ito din ang  major authority ng OPM (Original Pilipino Music), na nangangasiwa ng mga data-driven music charts, kasama na ang Philippines Hot 100.

Mangiyak-ngiyak si Regine sa tinanggap na karangalan at sa kanyang IG post ay ibinahagi nitong lubos ang kanyang pasasalamat sa Billboard Phils, at sa lahat ng mga taong nakasama niya through the years. 

Pinasalamatan niya ang kanyang kapatid at manager na si Cacai Mitra, ang musical director na si Raul MItra at ang lahat ng mga musicians na kanyang naka-trabaho, pati na ang mga kapwa artists niya.

Dagdag pa ni Regine, “I have been in the business for forty years. Masarap pa ring makatanggap ng ganitong honor. Thank you to my friends, my supporters marami ng nabago sa akin. I don’t sound the same anymore and yet you guys are still here, so thank you so much for staying, for listening.”
.
Bago tinanggap ni Regine ang kanyang award ay inawit nito ng classic hit song niyang “Kailangan Ko’y Ikaw” habang binibigyan siya ng standing ovation ng audience.

“To the people in this room, dream big. Hindi pwedeng maliit ka lang mangarap. Dapat malaki kang mangarap. Dapat ready kang matupad ang pangarap mo,” bahagi pa ng pasasalamat ni Songbird.

Bukod kay Regine, ang ilan pa sa mga Women in Music awardees na binigyan ng recognition ay sina KZ Tandingan bilang “Rule Breaker Award”; Yeng Constantino bilang “Hitmaker Award”; PPop trio G22 bilang “Rising Star” award, at ang nation’s girl group BINI na tinanggap ang “Powerhouse Award”.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles