Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Corruption issues dahilan ng pagdami ng Pinoy na nawawalan ng tiwala kay VP Sara—Pulse Asia

Dumarami ang mga Pilipinong nawawalan ng tiwala kay Vice President Sara Duterte, ayon sa pinakahuling resulta ng “Ulat ng Bayan” Pulse Asia survey para sa unang quarter ng 2026.

Kahit si Duterte pa rin ang most appreciated at trusted top official sa bansa, ipinakita ng datos ng Pulse Asia ang pagtaas ng negatibong pananaw laban sa kanya. Batay sa year-on-year comparison, umakyat sa 26 percent ang kanyang disapproval rating mula sa 16 percent noong March 2025, habang ang distrust ay tumaas sa 26 percent mula sa kaparehong 16 percent.

Batay sa survey na isinagawa mula February 27 hanggang March 2 sa 1,200 respondents, malinaw ang paglawak ng sektor ng publiko na hindi na kumbinsido sa kanyang pamumuno.

Ayon sa Pulse Asia, ang “alleged involvement in corrupt activities” ang pangunahing dahilan ng distrust kay Duterte. Sa national level, 51.5 percent ng mga respondent na hindi nagtitiwala sa kanya ang tumukoy dito bilang dahilan. Ito rin ang nangunang dahilan sa lahat ng rehiyon at antas ng lipunan.

Malaki rin ang bahagi ng mga Pilipinong hindi makapagpasya kung sila ay magtitiwala o hindi kay Duterte. Sa national level, 51 percent ang undecided. Sa iba’t ibang rehiyon at antas ng lipunan, nasa pagitan ito ng 42.2 hanggang 81.7 percent at 48.6 hanggang 63.6 percent.

Ipinaliwanag ng Pulse Asia na pangunahing dahilan ng pag-aalinlangan ang kabiguan umanong sagutin ni VP Sara ang mga alegasyon kaugnay ng paggamit ng confidential funds sa Office of the Vice President at Department of Education. May 17.8 percent din ang nagsabing kulang ang kanilang kaalaman sa kanyang mga nagawa, habang 10.3 percent ang tumukoy sa hindi niya pagharap sa mga imbestigasyon.

Sa parehong survey, lumabas din na ang 28.6 percent ng mga Pinoy na nagtitiwala kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay primarily dahil sa kanyang anti-corruption efforts. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles