Nag-suspend ng face-to-face classes ang ilang paaralan at unibersidad at lumipat sa alternative learning modalities ngayong March 26 at 27 kasabay ng dalawang araw na nationwide transport strike.
Nagpatupad ng online classes ang ilang local government units at educational institutions para maiwasan ang abala sa biyahe ng mga estudyante at guro.
Kabilang sa mga nag-anunsyo ng shift sa alternative learning ang University of the Philippines Diliman, Polytechnic University of the Philippines, Far Eastern University, Adamson University, Centro Escolar University, Rizal Technological University, Tarlac State University, Trinity University of Asia, at University of Santo Tomas.
Ilang lokal na pamahalaan sa Metro Manila at mga lalawigan ng Albay at Laguna ang nagpatupad din ng parehong hakbang para sa mga pampublikong paaralan sa kanilang nasasakupan.
Patuloy ang monitoring ng mga paaralan at local government units sa sitwasyon habang nagpapatuloy ang transport strike, na nakaapekto sa operasyon ng public transport sa iba’t ibang bahagi ng bansa. /Bistado


