Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act 12317 na naglilipat sa unang regular parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) mula Marso patungo sa ikalawang Lunes ng September 2026.
Ang hakbang ay nagtatakda ng bagong petsa ng parliamentary elections sa rehiyon bilang bahagi ng pagpapatuloy ng transition process sa Bangsamoro.
Nakatakda sanang isabay sa May 2025 national and local elections ang halalan sa BARMM, ngunit inilipat ito tungong Marso 2026, at ngayon ay muling itinakda sa September 2026 sa ilalim ng bagong batas.
Nauna nang winelcome ng Bangsamoro government ang pag-apruba ng panukala. Sa pahayag na inilabas noong panukala pa lang ang batas, sinabi ng BARMM government na ang reset ng halalan ay magbibigay ng dagdag na panahon para sa preparasyon.
“The resetting of the parliamentary elections will allow the Bangsamoro Government to continue its transition initiatives and ensure the completion of priority programs,” ayon sa pahayag.
Ipinaliwanag din ng BARMM government na ang pagpapaliban ng halalan ay magbibigay-daan para mas mapalakas ang mga institusyon at matiyak ang maayos na pagdaraos ng unang parliamentary elections sa rehiyon. /Bistado


