Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

GMA Kapuso Foundation Tuloy Ang Paghatid ng Tulong

Kahit ilang buwan na ang nakalipas mula nang naminsala ang Super Typhoon Uwan sa mga kababayan natin sa Viga at San Miguel sa Catanduanes, tuloy pa rin ang paghatid ng tulong ng GMA Kapuso Foundation (GMAKF). 

Sa pagkakataong ito, isinagawa ng GMAKF ang “Silong Kapuso: Handog Bubong, Handog Pagmamahal.” Sa ilalim ng proyektong ito, namahagi ang GMAKF ng mga yero at roofing materials para sa mga 111 na tahanan na lubhang apektado ng Super Typhoon Uwan. 

Inaasahan na bukod sa pagbahagi ng mga materyales na magagamit para sa paggawa ng matibay na silong at proteksyon ay unti-unting makakabangon muli ang mga kababayan nating  Catandunganon. 

Para sa mga nais mag-abot ng donasyon, bisitahin lamang ang www.gmanetwork.com/kapusofoundation/donate.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles