Sa pakikipagpanayam ng BISTADO sa ilang mga naging produkto ng Pinoy Big Brother, lahat sila ay nagpapahayag ng parehong kalungkutan at excitement sa balitang very soon ay lilipat o mag-iiba na ng location ang PBB House.
Nasa lote na pag-aari ng isang private citizen ang kilalang PBB House sa Eugenio Lopez Drive across the huge building ng ABS-CBN network.
Nakilala ang PBB House bilang pinaka-sikat na bahay sa buong bansa dahil nakapag-produce na nga ito ng maraming mga celebrities na nakilala at hinangaan sa mundo ng movies, TV, music at iba pa.
Ang first season alumni na si Jayson Gainza na kilalang komedyante at host sa ngayon ay halos maiyak sa balita dahil sa naturang bahay nga daw nagsimulang mabago ang kanyang buhay at ng pamilya niya sa ngayon.
Dating OFW si Jayson na sinubukan lang ang mag-audition sa kauna-unahang edition ng PBB and the rest is history.
“Parang nakakalungkot na mawawala na yun sa original location. Pero siyempre we have to accept na ganun talaga ang buhay, May mga movement o ano. Ang importante, nandiyan pa ang PBB, si Kuya at ang mga future na housemates,” tsika ni Jayson.
Sambit naman ni Mariel Rodriguez-Padilla na naging parte din ng PBB, “may kung anong kurot din. Kasi kahit naman sa mga totoong bahay natin kapag lilipat tayo o mag-migrate, move out etc, laging may naiiwan na memories.”
Para naman sa mag-asawang Melai Cantiveros at Jason Francisco, “sobrang mahal namin ang Bahay ni Kuya. Diyan kami galing, diyan nagsimula ang lahat. Iyan ang rason kung bakit mag-asawa kami ngayon. Nakaka-excite lang na sa pagbabagong location, mabibitbit ng marami yung magagandang memories.”
Sa isang kaugnay na podcast ni Bianca Gonzales, isa pa din sa matatagumpay na housemate na naging host ng PBB, nakapanayam nito ang Business Unit Head na si Marcus Vinuya.
Sinabi ng PBB executive, “the team behind the long-running reality show was already exploring to move into a new house. There are definitely plans to move. But it’s something na we are still exploring, we are still studying, but again, it might be sooner than you think.”
“That would be a very nostalgic moment for us if it happens na parang this is really the last season (PBB: Celebrity Collab Edition 2.0) in this house.Definitely it will happen. It will come to a point that we need to find a new house. But it’s also something [that is] sad but at the same time, I think I am excited for it na mabago kasi nga minsan kapag ganito, feeling mo nakaka-add din siya sa preparation sa mga taong pupunta eh kasi familiar sila sa space. But what if it’s really a new one?” paliwanag pa ni Vinuya.
Wala pang binabanggit na eksaktong lugar kung saan itatayo ang bagong lokasyon ng pinakasikat na bahay, pero may mga nagpapalagay na within Quezon City area lamang daw ito.
Sa 20 taon ng PBB at bukod sa mga nabanggit na pangalan sa itaas, ay nakapag-produce na ito ng mga kilalang celebrities gaya nina Kim Chiu, Gerald Anderson, Robi Domingo, Nene Tamayo, Sam Milby, Zanjoe Marudo, Toni Gonzaga, Alex Gonzaga, Rustom Padilla, Keana Reeves, John Pratts, Baron Geisler, James Reid,.Alexa Ilacad, KD Estrada, Fyang Smith, Shuvee Etrata at iba pang nakilala sa TV at movies.


