Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

12K pulis, imomobilisa sa Metro Manila ngayong Holy Week

Mahigit 12,000 pulis ang ipakakalat sa Metro Manila para tiyakin ang seguridad ngayong Holy Week at summer break, ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Sinabi ng NCRPO na kabuuang 12,377 na police personnel ang imomobilisa bilang bahagi ng kanilang security operations para sa Semana Santa at kasabay na bakasyon.

Ayon sa NCRPO, ang deployment ay nakatuon sa mga lugar na inaasahang dadagsain ng publiko sa panahong ito, kabilang ang mga simbahan, transport terminals, at iba pang matataong lugar sa Metro Manila.

Layunin ng hakbang na mapanatili ang kaayusan at seguridad habang ginugunita ng publiko ang Semana Santa at habang tumataas ang bilang ng mga biyahero na lumalabas at pumapasok sa rehiyon.

Sinabi rin ng NCRPO na bahagi ng kanilang plano ang pagpapalakas ng police visibility sa mga pangunahing lugar para maiwasan ang krimen at agarang matugunan ang anumang insidente.

Nanawagan ang NCRPO sa publiko na maging mapagmatyag at makipagtulungan sa mga awtoridad para sa maayos at ligtas na paggunita ng Semana Santa. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles