Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Let’s get it on: VP Sara impeachment hearing proper aarangkada na sa March 25

Tuluyan nang sisimulan ang hearing proper kaugnay ng impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte sa March 25, ayon sa House Committee on Justice chair at Batangas Rep. Gerville Luistro.

Inilatag ni Luistro ang buong schedule ng pagdinig matapos ideklara ng komite na may sapat na basehan ang dalawang petisyon laban sa bise presidente sa kanilang deliberasyon. Ayon sa kanya, nakatakda ang mga susunod na hearing sa March 25, April 14, April 22, at April 29, 2026.

Ibig sabihin, papasok na ang kaso sa yugto kung saan sisimulan ang mas detalyadong pagdinig.

Sa hearing proper, ilalatag na ang mga ebidensya at argumento ng magkabilang panig. Ito rin ang bahagi kung saan tatalakayin ang mga isyung hindi pa napagdesisyunan sa naunang deliberasyon ng komite.

Kasabay ng pag-aanunsyo ng schedule, sinabi rin ni Luistro na nakatanggap ang komite ng resolusyon mula sa plenaryo na nagbibigay ng kapangyarihan para ipagpatuloy ang impeachment proceedings kahit naka-break ang House of Representatives mula March 21 hanggang May 3, 2026.

Ayon sa kanya, pinapayagan ng resolusyong ito ang komite na ipatupad ang Section 8 ng Rules of Procedure in Impeachment Proceedings, kabilang ang mga hakbang para sa proteksyon ng mga karapatang pantao at paggamit ng auxiliary powers habang recess.

Ito ang naging basehan kung bakit itinakda ang mga petsa ng hearing kahit walang sesyon ang Kamara sa mga susunod na linggo. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles