Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Caloy Yulo, napatawad na ang mga magulang

Tahasang binanggit ni Caloy Yulo na wala na siyang anumang tampo, hinanakit o galit sa kanyang mga magulang na sina Mark Andrew at Angelica Yulo.

Sa programa ng King of Talk na si Boy Abunda sa GMA 7, naitanong sa Olympic gold medalist ang estado ng relasyon ngayon ni Caloy sa mga magulang na minsang naging national issue ang kanilang “away.” 

“Ako tin-ray ko yung best ko na kausapin sila. Mapag-ayos ang lahat, pero hindi ko po hawak yung sagot na yon, ” bahagi ng sagot ni Caloy.

Matatandaang matapos makakuha ng dalawang gintong medalya si Caloy sa 2024 Paris Olympics, ang kauna-unahan sa buong kasaysayan para sa bansa, nagkaroon ng tila sigalot sa pamilya ni Caloy nang paboran nito ang live-in partner nitong si Chloe San Jose.

Hindi lang basta kinampihan at ipinagtanggol ni Caloy ang gf sa mga magulang nito over issues on ‘control, money, fame and support,’ kundi talagang sa gf niya ito nakisama at hindi na nga bumalik sa family nila.

Over the years ay naging sentro ng mga bashing si Chloe na tinawag ng marami na ‘user, manipulator at may hand sa daang milyones’ na nakuha ni Caloy.

Pero sa naturang interview sa Fast Talk last March 23, klinaro mismo ni Chloe na siya ang laging nag-uudyok at nagpapayo sa bf na ayusin ang gusot sa pamilya.

Paliwanag ng dating pinay vlogger na lumaki sa Australia, “Not to magbuhat ng bangko, pero it’s always been me na nag-e-encourage, even if he really didn’t want to at the time na it was super crazy and talagang maingay and stuff. I have always been the one to encourage him na, ‘Mahal, if you don’t want to ano the other parts of your family, at least, your siblings.’”

Apparently ay sinunod naman daw ito ni Caloy kaya’t mas naging madali para sa gymnast na agad na “alisin” ang tampo, hinanakit at galit sa mga magulang nito. 

“May mga bagay lang talagang nagsisilbing ‘wall’ sa pagitan ng parents lalo na kapag hindi talaga nila gusto yung isang tao na minamahal ng anak nila. But in due time, maayos din iyan. Sadyang iba yung issue ng magulang sa anak kung ikukumpara sa isyu ng magkakapatid halimbawa,” pag-analisa pa ng netizen.

Sa isang bahagi pa ng interview ni Boy Abunda, naitanong nito kay Caloy ang sitwasyon kung halimbawang haharap ito sa Diyos at tatanungin ito kung kumusta ito bilang anak sa kanyang mga magulang, ano ang isasagot ni Caloy?

 “Ginawa ko po yung part ko and naglakas ako ng loob. Humihingi ako sa Inyo actually ng lakas ng loob upang kausapin sila. Ma-explain kung ano yung nangyari, especially sa nagawa po nila sa akin,” sagot ni Caloy.

Ang tinutukoy nitong nagawa sa kanya ng mga magulang ay yung halos i-disown ito at paratangang ‘walang utang na loob’ at tawaging pabayang anak at ipagpalit ang pamilya para sa gf.

Dagdag pa nito, “ako, wala akong galit sa puso ko. Wala kahit anong galit, sama ng loob, pagtatampo.Wala akong naramdaman na ganoon kahit yung times na nilagay nila ako sa ganoong sitwasyon, na hindi naman totoo at hindi naman namin ginawa.”

“Napatawad ko po sila. Ngayon, kung tatanungin ako ni Lord, ‘Gusto mo ba sila makasama?’ , wala naman pong problema,” tugon pa nito.

Sa naturang panayam, tila mauuwi na nga sa mas seryosong usapan ang pagsasama nila ng gf. Hindi man nila kinumpirma ang mga balitang soon ay posible na silang magpakasal, positibo ang mga reaksyon ng lahat na doon din naman ito pupunta.

“May mga priorities na dapat ayusin. May mga internal issues din na unti-unting dapat na i-solve. In God’s time, lahat po iyan will fall into places,” sambit pa nina Chloe at Caloy.
Sa ngayon ay abala si Caloy sa kanyang mga training at tournament kung saan nga si Chloe ang tila tumatayo niyang sandalan.

Kasama na diyan ang pagbibigay nila ng suporta sa mga kapatid ni Caloy na parehong gymnast din.

In fact ang utol niyang si Eldrew ay isa na ding gold medalist sa mga international sporting events at malaki ang posibilidad na gaya ni Caloy ay mag-represent din ng bansa sa Olympics sa mga susunod na taon.

Ang isa pa niyang kapatid na si Elaiza ay sumasabak na din sa parehong sport habang ang nanay niyang si Angelica ay balitang grumadweyt na sa college.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles