Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Rabiya Mateo, “i’m in a happy place”

Laman muli ng mga balita ang dating Miss Universe-Philippines 2020 Rabiya Mateo. After nitong mag-k top sa NMAT (National Medical Admission Test) dahil plano nga nitong mag-pursue ng further studies, tila ang lovelife na naman niya ang sentro ng mga balita sa showbiz.

“Basta I can say that I am in a happy place now,” sambit nito sa iang panayam kung saan kinukumusta dito ang lagay ng kanyang puso.

Matapos kasing mag-viral ang tila ‘date’ nila ng hunk at magaling na character actor na si Jake Cuenca, mukhang may kakaibang ningning ang mga mata ngayon ng beauty queen.

“Ang sukatan daw kasi  ngayon ng ‘ganda’ kapag nililigawan ka ng someone ay yung kaya niya nitong ihatid at sunduin sa bahay mo,” tila may pakahulugan nitong tsika. 

Sa Laguna kasi naninirahan si Rabiya sa ngayon, habang sa BGC Taguig naman daw nakatira si Jake at doon nga sila namataan ng netizen na may tila ‘dinner or late afternoon meal.’

Sa isang kaparehong panayam ay inamin nitong nasa getting to know stage pa lang sila ng aktor. Na diumano’y hindi naman sila nagmamadali sa kung anumang magkakaroon sila in the future. 

Aniya pa, “dapat mas maging maingat na tayo. Medyo dapat na palalimin yung understanding natin sa mga usapin sa puso, sa involvement sa gusto nating maging kaibigan o anupaman.”

Napaso na daw kasi si Rabiya sa mga nagdaan niyang relasyon at dapat lang naman daw sigurong this time ay natuto na siya at huwag ng basta na lang pairalin ang emosyon.

Ang award-winning actor na si Jeric Gonzales ang huling taga-showbiz na naging bf ni Rabiya na naibalita nga natin dito sa Bistado na tila nais na makipagbalikan sa beauty queen.

Samantala, gaya ng mga naging past relationships ni Jake, wala pa din itong sinasabi ng kung ano sa totoong intensyon niya sa beauty queen, maliban sa “sweet” reply nito sa isang post ni Rabiya.

Tsika nga ng isang BISTADO source na malapit sa aktor, “we know Jake. Pagdating sa mga seryosong bagay lalo na sa lovelife, maingat iyan at napaka-gentleman not to telling or expressing his emotions in public. Aware din iyan sa mga consequences and yet, when he truly falls for someone, lahat talaga ibinibigay niyan.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles