“Ang hot nilang lahat. Imagine si Alice (Dixson), mid-50’s pa pero bababoom pa din ang kaseksihan. Si Atasha (Muhlach) grabe ang transformation. May pinagmanahan talaga sa ganda at sexy. At si EJ, perfect ang hotness. Hindi man siya yung typical na guwapo, pero oozing with sex appeal. And yes, dyosang-dyosa si Anne (Curtis). Talaga namang kahit sino ay mag-de-desire sa kanya,” ang halos nagkaka-parehong mga komento ng netizen sa lumabas na ad ng Century Tuna Superbods 2026.
Ang apat na celebrity-endorsers ang pinag-uusapan ngayon sa mga socmed sites dahil bukod sa perfect spokespersons daw ang mga ito ng naturang brand, nag-uumapaw umano sa mga ito ang kredibilidad at husay mag-promote para lalong pag-usapan ang naturang food brand.
“Sino ba naman ang hindi ma-encourage na magkaroon din ng ganyang physique? Nang ganyang klaseng fitness, hotness? Perfect for the summer. Mahusay talagang kumuha ng ambassadors nila ang Century Tuna. Ang sasarap nilang tingnan,” bahagi pa ng magagandang komento ng netizen.
Kahit nag-iisang lalaki sa hanay ng tatlong equally pretty and sexy ladies ang atletang si EJ, naging positibo pa nga ang awra niya. Sey nga ng netizen, “nagmukha siyang Adonis. Very fit, slim, sexy at parang hunk na hunk na gwapo.”
Nakakatawag pansin lang yung naging mga panawagan ng netizen sa kumpanya ng Century Tuna. Nag-suggest kasi silang malagyan daw sana ng mga billboard o malalaking ad material ang tapat o harap o tabi ng mga gasoline station na pagmamay-ari diumano ni Cong Bong Suntay.
“Para ma-justify naman yung kanyang nararamdamang pagnanasa o desire sa napaka-seksing si Anne (Curtis),” sambit ng netizen na pabakla at pabiro namang sinagot ng ilan, “sure ka? Hindi kaya malipat at matuon ang atensyon niya kay EJ (Obiena) na gwapong-gwapo sa ganda ng katawan nito?”


