Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Surigao del Sur gov, nagpapagaling matapos ang motorcycle accident

BUTUAN CITY — Nasa stable condition na at tumutugon na sa mga tagubilin ng doktor si Surigao del Sur Governor Johnny Pimentel matapos maaksidente sa motorsiklo noong March 20, ayon sa kumpirmasyon ng kanyang anak na si Provincial Administrator John Vincent Pimentel.

Nangyari ang insidente habang bumiyahe ang gobernador mula Hinatuan at nawalan ng kontrol sa isang madulas na kurbada sa highway sa Sitio Puting Buhangin, Barangay Bitaugan East sa bayan ng Cagwait.

Agad na rumesponde ang rescue at police personnel sa lugar ng aksidente. Dinala si Pimentel sa isang ospital sa Tandag City para sa paunang gamutan bago siya inilipat sa Maynila sa pamamagitan ng airlift noong weekend para sa karagdagang medikal na atensyon.

“Overall, he is responsive to the doctors’ instructions. He will undergo a series of surgeries,” ayon kay John Vincent Pimentel.

Sa ngayon, limitado ang pagsasalita ng gobernador at sa halip, nagsusulat siya ng kanyang mga sagot sa mga doktor at kapamilya para maipahayag ang kanyang kalagayan.

Ayon sa kanyang anak, kinakailangan pang masigurong maayos ang kondisyon ng gobernador bago sumailalim sa mga operasyon. 

“The governor needs to be further stabilized before his surgeries. To ensure his respiratory function is adequately supported before, during, and after the procedures, the family has enlisted the expertise of a pulmonologist,” dagdag pa niya.

Nagpasalamat din ang pamilya sa mga rumesponde sa insidente at sa mga doktor na unang nagbigay ng lunas sa Adela Serra Ty Memorial Medical Center sa Tandag City.

Patuloy namang humihiling ang pamilya ng dasal mula sa publiko para sa tuluyang paggaling ng gobernador habang sumasailalim siya sa gamutan at naghahanda sa mga susunod na operasyon. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles