Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Hawak niya ang shiz: Principal sa Surigao del Sur, tiklo sa buy-bust ops


Naaresto ang isang 45-anyos na lalaking nagsisilbi bilang public school principal sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Barangay Poblacion, Tagbina, Surigao del Sur gabi ng March 20.

Ayon sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 13 (PDEA RO 13), nangyari ang operasyon bandang 10:47 ng gabi sa Purok 3, San Jose. Ang suspek ay residente ng lugar at kasalukuyang nagsisilbi bilang District 1 School Supervisor na may ranggong Principal III sa Tagbina.

Pinagsanib na pwersa ng PDEA RO 13 at Tagbina Municipal Police Station ang nagsagawa ng operasyon. Bago ito, isinailalim ang suspek sa surveillance at beripikasyon para kumpirmahin ang umano’y pagkakasangkot nito sa ilegal na droga.

Nasamsam sa operasyon ang dalawang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang tinatayang halaga na Php 6,800. Narekober din ang buy-bust money na ginamit sa transaksyon.

Ayon kay PDEA RO 13 Regional Director Laurefel Gabales, mahalaga ang naging resulta ng operasyon. “This development highlights the importance of vigilance and accountability in public service. Positions of authority must never be used to undermine the law or endanger the community,” ani Gabales.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Tagbina MPS ang suspek, na nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon sa PDEA, isinagawa lamang ang operasyon matapos makumpleto ang intelligence monitoring at kumpirmasyon ng mga law enforcement units hinggil sa aktibidad ng suspek. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles