Dahil pinag-uusapan ang diumano’y “pagligwak” (‘ghosting’ as per Alpha gen) ng bilyonaryong si Matthew Lhuillier sa dancer-actress na si Chie Filomeno, bigla ding nag-pop up sa socmed ang diumano’y date nina Jake Cuenca at Rabiya Mateo?
Magkarelasyon pa sina Jake at Chie nang sumabog ang tsismis na nakikipagmabutihan na ito sa negosyanteng si Matthew. Grabe ang inabot na bashing ng dancer-actress dahil tinawag itong two-timer at hindi nakukuntento sa isang boyfriend lang.
May mga tsismis ding lumabas na labis itong dinamdam ng magaling na aktor lalo’t nagsama pala sila sa isang condo unit. Matindi nga yung mga usapan hinggil sa paghahakot noon ng mga gamit ni Chie sa unit ni Jake dahil nabihag na nito ang nooy’ Cebu-based na negosyante.
Until sumambulat na lang nitong third week ng March na diumano’y bigla na lang nawala sa eksena si Chie sa buhay ni Matthew. Ang tsika pa, parang iniwan na lang sa ere si Chie, na sa term ng Apha gen ngayon ay na-ghosting. Ipinagtataka din ng marami kung bakit bigla ding nagsulputan ang mga photos ng ex-gf ng negosyante sa mismong IG account nito na para bang sinasabing nagkabalikan na sila?
Ayon sa mga sources ng BISTADO, sobrang iyak daw at emote si Chie sa tila short-lived romance nito kahit pa nga halos ipangalandakan nito dati ang mga eksena nila sa grocery, sa mall at sa iba pang ‘yayamaning’ places sa Cebu.
“Hindi talaga siya puwede sa pamilya ng mga Lhuillier. Hindi siya tanggap doon kaya magtigil siya sa ilusyon niya,” ang halos nagkakaisang komento ng netizen sa nangyari kay Chie.
Dedma naman at walang reaksyon o anumang pahayag pang inilabas at sinabi si Jake sa nangyari sa ex-gf. Although may mga tsika na diumano’y muli itong iniyakan ng hunk actor, pinabulaanan naman ito ng mga malalapit niyang kaibigan.
Kaya nga perfect timing naman na nagsulputan ngayon ang ilang fotos na makikitang masaya itong nakikipag-tsikahan kay Rabiya Mateo while having meals.
May mga nagsasabing matagal na din umanong nagkikita ang dalawa lalo’t alam ng marami na mahilig talaga si Jake sa mga beauty queen, gaya ng ex gf niyang si Kylie Verzosa.
Nang magtanong ang Bistado sa ilang malalapit sa aktor tungkol sa lovelife nito, wala silang binanggit though hindi nila dinenay na magkaibigan ngayon sina Rabiya at Jake.
Teka lang, paano naman yung sinasabing renewed friendship nina Rabiya at ex-bf nitong si Jeric Gonzales? HIndi ba’t recent lang ay naging very open sila sa pagkakaroon nila ng mas open na communication na posibleng maging daan daw ng kanilang pagbabalikan?
Aalamin ng Bistado iyan sa mga susunod na kabanata.


