Sa pagbabalik eksena ng global superstars K-Pop na BTS (Bangtan Boys), muli nilang pinasabog ang multimedia world dahil sa trending comeback concert na kanilang ginawa at ng dahil sa pag-arangkada sa mga music charts ng kanilang bagong album na “Arirang.”
Few days before their so-called concert na ginawa sa Gwanghwamun Square sa South Korea last March 21, halos hindi na mapigilan ang kanilang ARMY (tawag sa kanilang fan group) sa pag-anunsyo at pagpapa-trending ng naturang event.
Kasabay nga niyan ang agad na pag-set ng record ng ‘Arirang’ para maging ‘most streamed K-Pop album ito in Spotify history’ at maging ‘the most streamed album in a single day in 2026.’
Four years ago pa noong huli silang napanood na magkakasama sanhi ng naging pagpasok nila sa mandatory military service na required sa mga lalaki sa South Korea, mayaman o sikat ka man o simpleng ordinaryong tao.
Sa pagsisimula ng concert last March 21, na napanood din ng live sa NETFLIX to around 190 countries worldwide, muling in-introduce ng pitong members ang kanilang mga sarili.
Sa pagpasok nila sa venue behind the backdrop ng Gyeongbokgung Palace, nagmistula silang mga “hari” sa isang kaharian na tinitilian, iniiyakan at pinapalakpakan at sinasamba ng kanilang ARMY.
Mula sa lider nilang si RM (Kim Nan Joon) na naka-cast pa dahil sa ankle injury, bonggang-bongga ding winelcam nina JIN (Kim Seokjin), SUGA (Min Yoongi), J-HOPE (Jung Hoseok), JIMIN (Park Jimin), V (Kim Taehyung) at JUNG KOOK (Jeon Jungkook), ang daan-daang libong mga tagahanga nila na halo-halo ang lahi, kasama na ang Pinoy fans.
Mayroon lamang na 22,000 fans ang nabigyan ng “Golden Ticket” upang makapasok sa mga designated seating areas, subalit higit pang daang libo ang nagtiyaga at pumuno sa mga kalapit na lugar at mga binuksang kalye at open spaces, para mapanood ang free concert.
Ayon sa mga ulat, mayroong nasa tinatayang 104,000 na mga manonood ang dumagsa subalit umabot pa ito ng halos triple noong kinagabihan na ng event.Sa estimate ng The Seoul Metropolitan Government at HYBE, umabot sa tinatayang 206,000+++ attendees ang dumagsa sa live venue.
Angat na angat ang world-class stage na kanilang pinagtanghalan. Ayon pa sa mga balita ay ginamitan ito ng mga production equipment na pam-pelikulang kagamitan gaya ng kung ilang milyang cable para mapanood din ng mga nasa malalapit na lugar sa Gwanghwamun Square.
Gumamit din sila ng mga higanteng monitors na kahit nasa distansyang kalahating kilometro ka na daw ay buong-buo mo pang makikilala ang mga performers.
Sa ulat naman ng NETFLIX kung saan napanood nga ito globally, tinatayang nasa kung ilang milyong live watchers ang naitala nila sa specified na 9-10 pm (Manila time). Striktong isang oras lang daw talaga at sinunod ang oras na naitakda para sa nasabing concert.
Walong mga awitin mula sa album nilang “Arirang” ang pinerform ng BTS gaya ng “Body to Body,” “Aliens,” “Normal,” “2.0,” kasama na ang mga fan-favorite hits na “Dynamite,” “Butter,” “Mikrokosmos,” at “Mic Drop.”
Kahit nga may injury ang BTS leader na si RM, nanatili ito sa stage at adjusted sa pagkaka-upo niya ang choreography ng grupo. Well-received ng ARMY ang kanyang rap performance at sinasabayan pa siya ng lahat sa pagsayaw kahit na ang upper body lang niya ang gumagalaw.
Ayon sa anunsyo ng Big Hit Music, nag-suffer si RM ng “ sprain of the accessory navicular, a partial ligament tear, and a talus contusion (which includes ligament damage and inflammation).”
Ang main vocalist namang si Jung Kook ay sobra pa ding tinitilian ng mga tagahanga niya lalo na sa mga spiels niyang para daw siyang muling ipinanganak para mahalin ang lahat ng Army.
Inilarawan ang nasabing comeback concert bilang “2.0” version ng grupo, ‘focusing on a high-stakes, historically-themed return to the stage at home before embarking on global activities,’ ayon sa ulat.
Simula ngayong April 2026, nakatakda ang BTS na mag-embark sa kanilang Southeast Asia leg at iba pang lugar na kilala ang BTS sa buong mundo. Nasa listahan din ang iskedyul ng pagtatanghal nila sa Pilipinas sa darating na March 13 to 14, 2027.


