Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Marcos: Price freeze muna sa pagkain hanggang 60 araw

Ilang food manufacturers ang nag-commit na hindi muna magtataas ng presyo ng kanilang produkto sa loob ng hanggang 60 araw, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., habang hinaharap ng pamahalaan ang epekto ng tumataas na presyo ng langis sa mga pangunahing bilihin.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos niyang inspeksyunin ang distribution center sa Laguna ng Century Pacific Food Inc., ang pinakamalaking tagagawa ng de-latang pagkain sa bansa, na matatagpuan sa Calamba City.

“Ang supply ay hindi kailangan na mag-alala ang taong-bayan. Ang food supply natin ay sapat kahit na pangmatagalan,” ayon sa pahayag ng Pangulo sa pagbisita sa pasilidad.

Ipinaliwanag ni Marcos na may mga food firms na pumayag na huwag munang magtaas ng presyo. Layunin nito na maibsan ang epekto ng pagtaas ng gastos sa produksyon na dulot ng pagmahal ng langis.

Kasabay nito, tiniyak ng Pangulo na patuloy ang koordinasyon ng gobyerno at pribadong sektor para mapanatiling stable ang presyo ng pagkain. 

Tatagal ang price freeze sa processed food ng hanggang dalawang buwan at bahagi ng mas malawak na hakbang ng pamahalaan para kontrolin ang epekto ng tumataas na transport at logistics cost.

Habang nagpapatuloy ang galaw ng presyo sa pandaigdigang merkado, sinabi ng pamahalaan na patuloy nitong mino-monitor ang sitwasyon at nakikipag-ugnayan sa mga kumpanya para mapanatili ang abot-kayang presyo ng pagkain sa bansa. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles