To the rescue si Aj Raval sa amang si Jeric nang i-bash ng netizen ang dating kilalang action star.
May kaugnayan ang isyu sa diumano’y pakikipag-usap ng ama sa aktres na si Kylie Padilla, ang nakahiwalayang asawa ni Aljur Abrenica. Si Aljur ngayon ang kinakasama ni AJ at mayroon na silang tatlong anak.

Ayon sa mga naglabasang socmed chika, diumano’y kinausap ng tatay ni AJ si Kylie upang himukin daw itong mag-file na ng divorce or annulment para maging legal na ang pakikisama ng anak kay Aljur.
Sa pamamagitan ng kanyang IG stories, tinuran ni AJ, “Fake news. 100%. My father would never mention a name. He’s too old to be involved in something like this. Walang nag-aaway. We’re all at peace.”
Matatandaang last 2025 pa lumabas sa publiko ang balitang maayos ang turingan nila ni Kylie. Nang kumpirmahin ni AJ na may tatlong anak na sila ni Aljur, positibo ang naging post ni Kylie na matagal na diumano niyang alam ang mga bagay-bagay dahil sa pagiging close ng dalawang anak nila ni Aljur sa mga anak naman ni AJ.
Na diumano’y may tamang panahon at proseso ang mga bagay-bagay kaya’t hayaan na lang daw munang manatiling “magkakapatid” ang relasyon ng mga anak nila.
Dagdag pa ni AJ sa kanyang IG story, “Hate us all you want. Continue spreading lies. Continue to take me down if that’s what makes you happy. Kung saan kayo masaya gawin ninyo. It doesn’t matter anymore.What’s important is what’s happening inside our home, not what you see from the outside. We’re okay. Walang beef sa loob. Walang nag aaway at bati lahat.”
Sinubukan ng BISTADO na kunan ng pahayag si Kylie sa pamamagitan ng handler nito, subalit simpleng pagpapadala ng mensaheng, “everybody is at peace and happy. Let it be,” ang natanggap ng BISTADO.


