Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Bimby Aquino, kinarir ang pagkanta

Sa IG post ng kilalang fashion designer na si JC Buendia, lubos ang naging pasasalamat nito kay Bimby Aquino Yap, anak ni Kris Aquino kay James Yap.

Sa lamay kasi ng nanay ni JC ay nagawa niyang mapakanta si Bimby kasama ng iba pang singers, Kinanta ni Bimby ang “Lead Me Lord,” na first time palang ginawa ng 16 year old sa harap ng publiko.

Pinag-uusapan na ngayon sa socmed ang naturang reel ng pag-awit ni Bimbs na ayon sa mga nakapanood ay may singing talent  at given proper voice lessons and techniques ay posible daw itong maging isang mahusay na singer.

Sa IG post ni JC na naging malapit na kaibigan ni Kris ng mahigit dalawang dekada na, ” I remember you from the day you were born Bimb… and tonight, you sang for my mom. Your voice felt like a prayer—soft, sincere, and full of love. I know she heard you.”

“Thank you for sharing your gift and your heart with us. It meant more than words can say. Especially because this was your first time singing live in public,” dagdag pa nito.

Matatandaang late last year ay inengganyo ni Kris ang anak na mag-voice lessons dahil nakitaan nga niya ito ng talent sa pagkanta noong mga panahong ito ang tumayong ‘padre de familia’ na nag aaruga sa kanya at sa kuya nitong si Josh,

Sa tulong ng ilang mga kaibigan sa industry, nag-voice lessons nga si Bimby at tila naturalesa ng bagets ang mag-perform sa harap ng maraming tao.

“I like being a mama, I couldn’t see myself being a ‘mamager’… Bimb is still undergoing his training including a few skills that may surprise you, and I’m leaving his career planning to someone I trust because he has integrity, a solid home life,” minsan pang pagbabahagi ni Kris tungkol sa talento ng anak.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles