Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

50% discount para sa lahat sa MRT-3 at LRT-2, ipatutupad simula Lunes

Magkakaroon ng 50 porsiyentong diskwento sa pamasahe para sa lahat ng pasahero ng MRT-3 at LRT-2 simula Lunes, March 23, ayon sa Department of Transportation (DOTr), bilang bahagi ng hakbang ng pamahalaan para maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis.

Saklaw ng diskwento ang lahat ng sasakay sa dalawang train lines, kabilang ang mga regular na pasahero.

Ayon kay Transportation Secretary Banoy Lopez, ang diskwento sa pamasahe ay bahagi ng tugon ng pamahalaan sa epekto ng krisis sa Middle East na may direktang epekto sa presyo ng langis. “Ginagawa ng pamahalaan ang lahat para maibsan ang paghihirap ng mga Pilipino sa gitna ng gulo sa Middle East. Prayoridad natin ang tuloy-tuloy na biyahe at mas murang pamasahe kaya magbibigay tayo ng 50% discount sa MRT-3 at LRT-2 para sa lahat,” ani Lopez.

Sinabi rin ng DOTr na ang mas mababang pamasahe sa tren ay inaasahang makakatulong sa mga pasahero na makatipid sa araw-araw na biyahe, lalo na sa panahong tumataas ang gastusin sa transportasyon.

Para sa mga gumagamit ng beep cards, awtomatikong mailalapat ang diskwento sa pamamagitan ng blue beep cards para sa regular na pasahero. Para naman sa mga walang beep cards, maaari silang bumili ng single journey tickets na may kaparehong 50 porsiyentong diskwento.

Mananatiling umiiral ang 50 porsiyentong diskwento para sa mga senior citizen, persons with disabilities, at mga estudyante na gumagamit ng white beep cards.

Samantala, nakikipag-ugnayan pa ang DOTr sa pamunuan ng LRT-1 para sa posibleng pagpapatupad ng kaparehong diskwento sa nasabing linya. Ang LRT-1 ay pinatatakbo ng pribadong kumpanyang Light Rail Manila Corporation. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles