Normal na sa showbiz na kapag may tandem na pinasisikat o may project na pinu-promote ay dapat lagyan ng ‘romantic angle” ang mga istorya ng kanilang show o project.
Pero ayon kay Joseph Marco na nagbibida sa My Husband Is A Mafia Boss ng Viva One, “we can not please everyone di ba? Pero ours (with Rhen Escano) is a true one. We really bonded well and we can say na lahat ng ginawa namin para sa show, be it during our workshops or takes, are all genuine. This is one of the best projects na nagawa ko.”
Sinang-ayunan naman ito ng napakagandang si Rhen na umano’y hindi rin inakalang may comedic side pala si Joseph dahil sa natural itong lumabas dahil sa kikay karakter niya sa series. Pambalanse nga ito sa action-romance na tema ng series under director Fifth Solomon.
Kilalang wattpad series ang My Husband is A Mafia Boss na isinulat ng yumaong si Diana Serrato alias YanaLovesYouu 2020, at ngayon nga’y may daan-daang million ‘reads’ na. Ang trailer naman ng show na this April 11 na mapapanood sa Viva One ay humamig na ng 14 plus millions na views and counting.


Sa ginanap na mediacon ng series kung saan naimbitahan ang BISTADO, madamdaming ipinakilala ang pamilya ni Yanalovesyouu 2020 (the late Diana Marie Serrato).
Proud ang mga parents at anak ng yumaong writer dahil finally ay mapapanood na sa Viva One ang isa sa most successful wattpad novels.
“Masaya po kami sa opportunity na ibinigay ng Viva. Alam naming lubos din ang saya ng aming anak,” sey ng parents ni Yana.
First time ngang magkakasama sina Joseph at Rhen sa nasabing serye kaya’t ginawa daw itong extra special ng Viva by providing co actors and production values na pam-pelikula ang awrahan.
Sa trailer ay kitang-kita ang maganda nilang rapport at chemistry at hindi nga inakala ng marami na puwede din pala sa comedy si Marco, bilang ang nasabing series ay isang romance-action-comedy, kahit pa may Mafia-item pa ang mga aksyon dito.
Ang iba pa nilang kasama sa series ay pawang magaganda at guwapong mga newbies na umaasang mapapansin sila gaya nina Frost Sandoval, Sar Joe, Jaime Yllana, Icee Ejercito, Kyosu Guinto, Aaliyah Coco, Dann Aquino, R-Ji Lim, PJ Rosario at Maru Delgado.
Magbibigay naman ng “mas mature element” sa kuwento ang mga batikang sina Ara Mina at Priscilla Meirelles.


