Naglunsad ang ride-hailing platform na inDrive ng fuel aid at pamamahagi ng incentives para sa kanilang mga driver kasabay ng patuloy na pagtaas ng presyo ng Langis.
Ayon sa kumpanya, layunin ng hakbang na matulungan ang mga driver na makayanan ang tumataas na gastusin sa operasyon, lalo na sa gasolina na direktang tumatama sa kanilang kita.
Kabilang sa inilunsad na programa ang pagbibigay ng fuel-related support at incentives para sa mga driver sa platform. Target nitong bawasan ang epekto ng oil price increases sa araw-araw na biyahe at kita ng mga driver.
Ipinaliwanag ng inDrive na ang hakbang ay bahagi ng kanilang patuloy na suporta sa driver-partners, lalo na sa panahon na tumataas ang gastos sa transportasyon.
Dagdag ng kumpanya, layunin din nilang mapanatili ang kita ng mga driver habang tinitiyak na tuloy-tuloy ang serbisyo para sa mga pasahero sa gitna ng pagtaas ng gastos.
Patuloy ang pagpapatupad ng fuel aid program habang binabantayan ng kumpanya ang sitwasyon ng presyo ng langis at ang epekto nito sa kanilang mga driver. /Bistado


