Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Transport strike vs oil price hike, nagpapatuloy

Nagpapatuloy ang transport strike sa Metro Manila ngayong Biyernes, March 20, bilang protesta ng mga tsuper laban sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis.

Pinangunahan ng grupong PISTON ang tigil-pasada na nagsimula noong March 19 at umabot na sa ikalawang araw. Ayon sa mga ulat, naapektuhan ang ilang ruta sa Metro Manila, na nagresulta sa kakulangan ng pampublikong sasakyan at hirap sa biyahe ng mga commuter.

Ayon sa mga organizers, umabot sa 90 porsyento ng mga pangunahing ruta sa Metro Manila ang naapektuhan sa unang araw pa lamang, kasabay ng mga kilos-protesta ng mga tsuper at commuter. 

Nakiisa rin sa tigil-pasada ang mga grupo sa iba’t ibang bahagi ng bansa tulad ng Baguio, Ilocos, Pangasinan, Bulacan, Pampanga, Marinduque, Bacolod, Zamboanga, at Cagayan de Oro.

Ayon sa PISTON, kabilang sa bitbit nilang panwagan ang pagtanggal ng VAT at excise tax sa langis, rollback ng presyo nito sa ₱55 kada litro, pagpapatupad ng ₱5 fare hike at ₱1,200 family living wage, at pagtigil sa gyera sa West Asia.

Habang nagpapatuloy ang strike, naglatag ng alternative transport options ang ilang lokal na pamahalaan para matulungan ang mga commuter na naapektuhan ng tigil-pasada. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles