Matapos hindi makapasok last year sa World Athletics Indoor Championships ang number 12 sa world-ranking na pole vaulter nating si EJ OBiena, desidido itong magtagumpay this time.
Sa gaganaping Indoor Championships sa Poland bago mag katapusan ng buwan, pangungunahan ni EJ ang koponan ng bansa para makapag-uwi ng karangalan at makapagtala ng mga panibagong record.
Ayon sa inilabas na anunsyo ng PATAFA o Philippine Athletics Track and Field Association, makakasama din ni Obiena ang tatlo pang pinoy atleta na nag-qualify sa torneo. Sina John Cabang Tolentino, Jessica Laurance at Zion Corrales Nelson ay pawang mga panlaban ng bansa sa athletics.
Sina Laurance at Corrales Nelson ay mag compete sa 60-meter dash, habang si Tolentino ay bahagi ng pinoy team para sa 60-meter hurdles.
Baon pa rin ni Obiena ang kanyang personal best na 5.78 meters na kanyang naitala sa ISTAF Indoor Berlin in Germany, kung saan nga nagwagi siya ng gintong medalya para sa bansa. Although kapos ito sa kanyang best record na 6.0 meters na kanya namang naitala noong 2023 sa World Athletics Championships.
Samantala, nag-viral kamakailan ang tila masayang tagpo ng isang training ni Obiena kung saan makikita itong “nakikipag-kulitan” sa kapatid ni Olympic gold medalist Carlos Yulo na si Karl. Pinasaya nila ang iba pang nasa training nang tangkain ng ilang beses ni Obiena na subukan maging gymnast, ala-Yulo at magpa-sirko-sirko sa vault gaya ng isang totoong gymnast. Ang nag-viral na post na mayroon ng daang libong views na kinagiliwan ng madla ay may caption na “what in the crossover?”


