Nagkaroon kamakailan ng pagkakataon ang actress-director na si Bela Padilla para ibahagi ang kanyang mga karanasan at kaalaman tungkol sa estado ng paggawa ng pelikula sa bansa at iba pang kaugnay na usapin tungkol dito.
Sa imbitasyon ni Negros Occidental Rep. Javi Benitez, chairman of the House Special Committee on Creative Industries, umupo bilang isa sa mga resource persons si Bela at nakipag-palitan ng mga kuro-kuro sa ilang mga Mambabatas sa Kongreso kamakailan.
Ang naturang pag-uusap ay may kaugnayan sa pagsuporta sa panukalang batas na may layong lalong palakasin ang industriya ng pinoy movies sa pamamagitan ng pagtatatag ng isang Philippine Film Commission.
Subalit nang dahil sa previous commitment ng aktres para sa ginagawang pelikula, hindi nito nagawang tapusin ang hearing, pero nagawa naman daw niyang sagutin at ilatag ang ilan sa mahahalagang bagay para sa naturang panukala.
Pinuri at pinasalamatan naman ito ni Cong. Benitez, na minsan na ding bumida bilang aktor sa teleserye na ipinalabas noong pandemic kasama sina Zanjoe Marudo, Angelica Panganiban at Paulo Avelino.
Sa kanyang IG post sinabi ni Bela, “I was only able to stay for everybody’s opening statements but I actually had answers for the ten questions I was sent beforehand, when asked for suggestions to help fix problems that I see as a filmmaker today.”
“I was pleasantly surprised to see the other day that the bill covers so much of what needs to be addressed like fair equity for creatives and producers,” bahagi pa ng post ni Bela.
“I wish I got to stay longer but I had to go back to set. But I obviously will always be here to help the industry I love most in any way I can. What I clearly saw the other day is that one truly doesn’t need to be elected to help. And that there are people elected who still care, We have a long way to go. But this bill, if passed and done correctly, will get us closer,” dagdag pa nito.


